Alcala, Cagayan (December 22, 2021) – Matagumpay ang isinagawang BARANGAYANihan Caravan ng Cagayan Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Renell Sabaldica, Provincial Director noong Disyembre 22, 2021 sa Barangay Dalaoig, Alcala, Cagayan.
14 Agta Family at 70 na kabilang sa poorest of the poor ng nasabing barangay ang benepisyaryo ng nasabing aktibidad kung saan nakatanggap sila ng tig-limang kilo ng bigas, kape, energy drinks, at mga biscuits.
Pinilahan naman ng mahigit 163 na bata ang feeding program at mga bagong tsinelas.
Katuwang ng mga kapulisan ang mga tauhan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa nasabing aktibidad.
Laking pasasalamat ng mga residente sa maagang pamaskong handog ng mga kapulisan ng Cagayan.
“Ang ganitong aktibidad ay patuloy na isasagawa sa lalawigan alinsunod sa Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery na naglalayong ilapit ang tulong mula sa pamahalaan sa mga kababayan nating nakatira sa liblib na lugar, katuwang ang iba’t ibang ahensya”, mensahe ni PCol Sabaldica na ipinarating ni PLtCol Haroun Pagador, Deputy Provincial Director for Administration.
#####
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi
Salamat sa mga Alagad Ng Batas
Good Job