Leyte – Arestado ang apat na drug suspect at nabuwag ang isang drug den sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Operation ng PNP at PDEA 8 sa Brgy. District 04, Babatngon, Leyte nitong Abril 1, 2023.
Kinilala ni Police Captain Jose Bayona, Acting Chief of Police ng Babatngon Municipal Police Station, ang naaresto na si alyas “Yakyak” (maintainer), at tatlong bisita ng drug den na sina alyas “Bev”, alyas “Rose” at alyas “Bryan” na pawang mga residente ng Babatngon, Leyte.
Ayon kay PCpt Bayona, naaresto ang mga suspek bandang 8:05 ng gabi sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Babatngon MPS, Regional Intelligence Division 8 kasama ang PDEA – Leyte Provincial Office, RSET, Biliran SIU (Lead Unit).
Nakumpiska sa mga naaresto ang humigit kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated market value na Php102,000 at iba pang drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 6, 7, 11 at 12 ng Article II sa ilalim ng RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tinitiyak naman ng PNP-PDEA 8 sa publiko na patuloy ang kanilang Anti-Illegal Drugs Operation sa pagsugpo sa aktibidad ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan tungo sa mas ligtas at maayos na pamayanan.