Alinsunod sa direktiba ni C, PNP General Dionardo Carlos ay nagsagawa ng Clearing Operations ang mga tauhan ng Police Regional Office 8 sa buong probinsya ng Southern Leyte na matindi ang pinsalang natamo mula sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Matatandaang naging 1st responder si PBGen Rommel Cabagnot, ang Regional Director ng PRO8 bago pa man manalasa ang nasabing bagyo upang tiyakin ang naging preparasyon ng bawat lugar sa pagdating ng bagyo at siya rin ngayon ang nanguna sa pagresponde matapos ang kalulunos lunos na sinapit ng probinsya ng Southern Leyte mula sa hagupit ni “Odette”.
Ito ay patunay lamang na sa kabila ng mga delubyong dumating gawa ng kalikasan ay nariyan pa din ang diwa ng bayanihan ng ating kapulisan katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno na hangad ay agad na makabangong muli ang buong probinsya sa pagkakalugmok dahil sa bagyong tumama sa lugar.
#######
Panulat ni: Patrolwoman Darice Anne Regis
Good Job po para sa mga kapulisan ntn laging handang tumulong para sa bayan