Malabon City – Tinatayang Php125,800 halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng Malabon City Police Station nito lamang Biyernes, Marso 31, 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Olan” (Pusher/Newly Identified), 49, at alyas “Zaldy” (User/Listed), 29, pawang mga residente ng Malabon City kasama si alyas Mike (Pusher/Newly Identified), 33, residente sa Baseco, Tondo, Manila.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, nagsagawa ng operasyon ang Station Drug Enforcement Unit ng Malabon CPS, dakong 1:45 ng madaling araw sa kahabaan ng Block 11, Hiwas Street, Brgy. Longos sa Malabon City na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet bawat isa ay naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit-kumulang sa 18.5 gramo na may Standard Drug Price (SDP) na Php125,800; at isang piraso ng tunay na Php500 bilang buy-bust money.
Ang matagumpay na operasyon ng mga tauhan ng Malabon CPS ay dahil sa suporta at pakikipagtulungan ng komunidad kaya nangangako silang lalo pang paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos