Nueva Ecija – Personal na binisita ni Police General Rodolfo Azurin Jr., Chief, Philippine National Police kasama sina Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr, Regional Director at command group ng Police Regional Office 3, ang labi ni Police Lieutenant Colonel Marlon Serna na nakahimlay sa Sta. Rosa, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-29 ng Marso 2023.
Nagdadalamhati ang buong hanay ng Pambansang Pulisya sa pagkasawi ng ating magiting na pulis at binuwis ang sariling buhay upang gampanan ang sinumpaang tungkulin.
Ginawaran ni PGen Azurin si PLtCol Serna ng pinakamataas na parangal ang Medalya ng Kagitingan o Medal of Valor.
Sinisiguro naman ni PGen Azurin na makakatangap ng lahat ng kaukulang benepisyo, scholarship ang dalawang anak ni PLtCol Serna at nagpaabot ng tulong pinansyal para sa naiwang pamilya.
Patuloy naman ang pagtugis sa mga akusado na umabot na sa Php1.2 milyong halaga ang patong sa ulo sa sinumang makakapagturo sa kinaroonan ng mga pugante.
Source: Police Regional Office 3
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3