Quezon City — Timbog ang isang taxi driver sa kasong panggagahasa sa joint operation ng Talipapa at Kamuning Police Station nito lamang Lunes, ika-27 ng Marso 2023.
Kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGen Nicolas Torre lll ang suspek sa pangalang Marcelo, 52, at residente ng Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon sa inisyal na ulat, noong Marso 25, 2023 sa ganap na 7:00 AM, isinakay umano ang biktima ng isang bouncer sa GSide Bar sa Tomas Morato corner, Eugenio Lopez Drive, Brgy. South Triangle, Quezon City sa isang taxicab na umano’y dinadrive ng nasabing suspek papuntang BBB Marulas, Valenzuela City.
Habang sakay ng taxi, nakatulog ang biktima at sinamantala ng suspek ang sitwasyon. Dinala niya ang biktima sa Baesa Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Hi-way, Brgy., Baesa, Quezon City at doon hinalay ang biktima.
Alas-4:30 ng umaga ng Marso 27, namataan sa labas ng bar ang taxicab na minamaneho ng suspek na nagtulak sa biktima na humingi ng tulong sa mga operatiba ng PS 10 na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.
Itinurn-over ang suspek sa Talipapa Police Station upang sampahan ng kasong Rape.
“Sa aking mga mahal na kababayan, dapat lagi tayong maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa ating paligid at laging handa upang makaiwas sa anumang krimen” sabi ni PBGen Torre habang pinupuri ang mga operatiba sa kanilang agarang pagtugon sa insidente.
Source: PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos