Laguna – Himas rehas ang Top 3 Provincial Most Wanted Person matapos maaresto sa Manhunt Operation ng Sta. Rosa PNP sa kasong paglabag sa RA 8353 nito lamang ika-26 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Paulito Sabulao, Hepe ng Sta. Rosa City Police Station, ang akusado na si alyas “Kuya Toto”, residente ng Sta. Rosa City, Laguna.
Nagsagawa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 8353 o “The Anti-Rape Law of 1997” na walang piyansang nirekomenda laban sa akusado ganap na 7:30 ng gabi sa Brgy. Pulong, Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna.
Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas upang maging maayos at tahimik ang ating komunidad.
Panulat ni Patrolman Marvin Avila/RPCADU4A