Davao City – Tinatayang Php447,360 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tamugan, Marilog District, Davao City nito lamang Martes, Marso 28, 2023.
Kinilala ni Police Major Nelson Violan Jr, Station Commander ng Marilog Police Station, ang suspek na si alyas “Hamja”, 21, residente ng Brgy. 76-A, Boulevard, Davao City.
Naaresto ang suspek matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng ilegal na droga sa nagpanggap na poseur buyer na tauhan ng Marilog Police Station.
Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 27.8 gramo na may street market value na Php447,360 at marked money.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director ng Police Regional Office 11, ang nasabing operasyon dahil sa matagumpay na pagkakadakip sa suspek na lalong maglalapit sa layunin na gawing drug-free ang rehiyon onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara