Camarines Norte – Nagsagawa ng Feeding Program ang Paracale PNP sa mga kabataang residente ng Sitio Landing, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte nito lamang Marso 25, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PCMS Andres Ferrer, Traffic PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Jayson Manuel, Hepe ng nasabing himpilan.
Bakas ang saya sa mga mata ng bata ng nasabing barangay dahil sa natanggap nilang mainit na lugaw mula sa kapulisan ng Paracale.
Ang naging hakbang ng Paracale PNP na makapaghatid ng tulong sa ating mga kabataan ay bahagi ng programa na isinusulong ng Pambansang Pulisya na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) para sa mas matatag na ugnayan ng komunidad at pulisya.
Source: Paracale Mps Cnppo