Davao City (December 20, 2021) – Pinangunahan ni Regional Director, PBGen Filmore Escobal ang Send-off Ceremony ng Police Regional Office 11 Task Force Relief Operations ngayong araw, Disyembre 20, 2021 sa Camp Sgt. Quintin M Merecido, Buhangin, Davao City.
Ito ay binubuo ng 45 na contingents mula sa PRO 11 sa pamumuno ni PCol Raineir P Diaz, Chief, Regional Headquarters Support Division at may kasamang 15 volunteers, na siyang tutulong at maghahatid ng mga food packs, gamot, damit at kahon-kahong tubig para sa mga apektado nating kababayan sa Caraga Region.
Lulan ng tatlong (3) man truck ang 1st batch ng mga donasyon na mula sa iba’t ibang yunit ng PRO 11 gayundin ang mga donasyon na mula sa mga stakeholders nito. Inaasahan din ang pagdating pa ng maraming tulong na siyang dadalhin naman ng 2nd batch ng PRO 11 patungong Caraga Region.
Bago pa man makaalis sa pangunguna ni PCol Marlou N Labares, Chief, Regional Pastoral Office 11, ay nag-alay muna ng isang panalangin at binigyang basbas ang mga contingents at mga sasakyan na bibiyahe at mamalagi ng limang (5) araw sa Caraga region hanggang kapaskuhan.
Sa naging mensahe ni PBGen Escobal ay nakiramay ito sa mga naging biktima at nasalanta ng Tropical Storm “Odette” at sisikaping ipadama sa mga kababayan natin sa Region 13 ang pagmamahal at pagmamalasakit ng pamunuan ng PRO 11 ngayong kapaskuhan sa kabila ng pinsala na iniwan ng bagyong “Odette”.
“Malalayo man kayo sa inyong mga mahal sa buhay ngayong kapaskuhan, lagi po nating isaisip na tayo ang maghahatid ng munting pasko sa mga mamamayan ng Caraga sa paraang meron tayo,” pagtatapos nito.
######
Panulat ni: Police Corporal Mary Metche A Moraera
Puso at Malasakit laging handog ng Team PNP
Mabuhay Team PNP.. Keepsafe
GOD bless the Philippines!
Good Job PNP
Maraming salamat po sa Team PNP