Surigao Del Norte (December 17, 2021) – Hindi bababa sa 200 kabahayan ang nakatanggap ng solar lights sa Purok 3, Brgy. Cayutan, Surigao City, Surigao del Norte, isang araw matapos tumama sa kalupaan ang bagyong “Odette”.
Matapos ang paghagupit ng bagyong “Odette” sa Visayas at Mindanao ay agad na rumesponde ang kapulisan ng RMFB NCRPO sa pangunguna ni PMaj Anthony S Alising kasama si PMaj Dioscoro Tayab Jr sa ilalim ng pamumuno ni PCol Lambert Suerte, Force Commander, sa pakikipag ugnayan sa Church of God International (MCGI), JCI Makati sa pamamagitan kay Francisco Cresencio.
Maliban sa mga solar panel na natanggap ng bawat pamilyang lubhang naapektuhan ay masaya namang tinanggap ng mga bata ang mga laruan para sa kanila na siyang naging daan upang maibsan ang kanilang naranasan dulot ng bagyo.
Labis ang pasasalamat ng mga residente ky PMGen Vicente Danao Jr, Regional Director, NCRPO at kay PCol Suerte dahil hindi naging alintana ang layo ng NCRPO patungo sa lalawigan ng Surigao del Norte upang makapagpaabot ng tulong at magpadala ng kapulisan mula sa RMFB para masiguro ang kanilang kaligtasan at maibigay ang agarang pangangailangan.
Ang inisyatibong ito ay nagsisilbi na rin bilang isang panawagan para sa mabilis at agarang tugon para sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan at ito’y naaayon na rin sa kasalukuyang programa ng NCRPO na “Serbisyong TAMA: Tapat, may Tapang, at MAlasakit para sa mamamayan.
######
Panulat ni: Police Corporal Romulo Cleve M Ortenero
Serbisyong Tapat at may puso yan ang mga Alagad Ng Batas…