Maguindanao del Norte – Boluntaryong sumuko sa PNP ang 20 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at 2 Potential Private Armed Group sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nitong Martes, Marso 21, 2023.
Mainit na tinanggap ni PBGen John Gano Guyguyon, Regional Director ng PRO BAR ang pagbabalik-loob ng mga ito sa pamahalaan upang makakapamuhay ng matiwasay, walang tinataguan at higit sa lahat makasama ang mahal sa buhay.
Ang grupo ng BIFF ay sangkot sa iba’t ibang aktibidad ng pambobomba, pang-eextort, pagdakip, pagpatay at kung anu-ano pang ilegal na gawain hindi lang sa rehiyon ng Bangsamoro kundi sa iba pang kalapit na probinsya.
Kaya’t nagpapasalamat ang buong pamunuan ng PRO BAR sa matagumpay na pagsuko ng 20 BIFF: 17 ang miyembro ng Karialan Faction at 3 miyembro ng Bungos Faction at dalawang lider ng PPAGs: Sali Group at Tonda Group.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsuko din nila ng kanilang mga armas gaya ng dalawang homemade Sniper Rifle Cal .50 Barret, anim na homemade Sniper Rifle Cal 7.62, isang Cal 30 M1 Garand Rifle, isang homemade RPG, tatlong M203 GL, isang mortar, 2 RPG Ammo, dalawang Improvised Explosive Device (IED), at dalawang Cal .45.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay resulta ng patuloy na paglaban ng kapulisan sa lokal sa terorista para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan lalo na sa rehiyon ng Bangsamoro.
Panulat ni Mark Vincent Valencia