Nakalikom ng 2,997 packs ng assorted goods ang Police Regional Office 2 para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Higit-kumulang Php250,000 halaga ang relief goods na naipon mula sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (PPO); Isabela PPO; Cagayan PPO at Santiago City Police Office.
Samantala, inaasahan pa ang mga susunod na tulong na magmumula naman sa Batanes PPO, Regional Mobile Force Battalion 2 at Regional Headquarters.
Sinabi ni PCol Mario P Malana, Chief, Regional Community Affairs and Development Division 2, na ang one-day subsistence allowance ng bawat kapulisan ng PRO2 ay idodonate bilang dagdag sa nalikom na tulong para sa mga biktima.
Ipinag-utos ni PBGen Steve B Ludan, Regional Director, ang agarang pagdala at turn-over ng naturang relief goods sa Directorate for Integrated Police Operations–Northern Luzon, Clark Pampanga upang agad ng makarating sa mga nasalanta.
“Ang Valley Cops ay handang tumulong, lalong-lalo na sa mga panahon ng sakuna, kagaya ng nakaraang pagragasa ng bagyong Odette na puminsala sa Visayas at Mindanao area”, ani PBGen Ludan.
#####
Serbisyong Totoo lagi yan ang handog at tulong ng ating mga Kapulisan