Nailigtas sa kapahamakan ng mga tauhan ng Kabankalan City Police Station sa pangunguna ni PLt Dennis A Melgarejo, DCOP for Operation ang mahigit 20 ka-tao noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Odette sa Sitio San Jose, Barangay 6, Kabankalan City sa probinsya ng Negros Occidental.
Dose (12) oras na na-trap sa puno ng Pili Nut ang 17 menor de edad at 9 na lolo at lola ngunit ito’y nasagip din ng ating kapulisan dahil sa patuloy na pagsasagawa nila ng Search and Rescue Operation sa araw na iyon.
Maituturing na kabayanihan ang sakripisyong ipinamalas ng mga miyembro ng Kabankalan PNP sa ganitong panahon ng kalamidad mailigtas lang ang buhay ng ating mga kababayan.
Para sa kabuuan ng video, i-click lamang ang link: https://www.facebook.com/PNPPCADG6/videos/1276854549501206
Good job PNP galing at malasakit