Aurora – Nagsagawa ng pagsasanay ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Aurora PNP sa mga mag-aaral ng Calabgan-Ditinagyan Elementary School sa kanilang BSP Camporee at GSP Encampment sa Brgy. Calabgan, Casiguran, Aurora nito lamang Sabado, ika-18 ng Marso 2023.
Ang naturang pagsasanay ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Aurora Police Provincial Office at PCpt Nestor G Romano Jr, Technical Support Platoon Leader.
Inimbitahan ang mga awtoridad ng nasabing eskwelahan upang sanayin at dumaan sa simpleng obstacle course at knot tying ang mga estudyante.
Nagbigay kaalaman din ang mga kapulisan patungkol sa Executive Order. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), anti-illegal drugs and child abuse.
Labis ang galak ng mga bata sa hatid na kaalaman na ibinahagi ng 2nd PMFC, Aurora PNP na may layuning mahubog ang mga bata na may disiplina at pagkakaisa.
Source: 2nd PMFC, Aurora PPO
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3