Pinangunahan ng kapulisan ng 2nd Nueva Vizcaya PMFC ang pamimigay ng Cash Assistance na ginanap sa Brgy. Malasin Dupax del Norte, Nueva Vizcaya nitong ika-15 ng Marso 2023.
Sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Garry Matagay, Force Commander ng 2nd NVPMFC ay masayang tinanggap ng mga mag-aaral ang Cash Assistance na iginawad ng kapulisan.
Ipinaabot naman ng 23 na benepisyaryo na nasa ika-8 hanggang ika-11 antas ang kanilang taos pusong pasasalamat sa tulong na rin ng mga tauhan ng 2nd Nueva Vizcaya PMFC.
Layunin ng mga kapulisan na tulungan ang mga batang mag-aaral na kapos sa pinansyal nang sa gayon makamit at ipagpatuloy ang kanilang mithiin sa buhay sa tulong at malasakit ng PNP.
Source: 2nd Nueva Vizcaya PMFC
Panulat ni PCpl Harry B Padua