Isabela – Muling nagsagawa ng PROJECT KAPIHAN: “Talakayan ng Mamamayan at kaPulisan para sa Seguridad ng Bayan” ang Tumauini PNP sa pangunguna ng Hepe nito na si Police Major Charles B Cariño sa Brgy. Namnama Tumauini, Isabela noong ika-15 Ng Marso 2023.
Katuwang ang mga opisyales ng naturang barangay, masinsinang tinalakay ang mga aktibidad na makakatulong para sa solusyon sa mga suliranin ng barangay.
Aktibo namang nagbigay ng mga pahayag at suggestion ang bawat isa. Pinag-usapan din ang implementasyon ng mga ordinansa para sa seguridad ng mamamayan.
Ang proyektong ito ay inilunsad alinsunod sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) na naglalayong paigtingin ang pagkakaisa ng kapulisan, simbahan at pamayanan para sa maayos at mapayapang komunidad.
Source: Tumauini PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos