Palawan – Timbog ang isang Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan noong ika-14 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Major Bronson Caramto, Acting Chief of Police ng Taytay MPS, ang suspek na may alyas na “Bulat”, residente ng Taytay, Palawan, naitala bilang Most Wanted Person Rank No. 1 ng Provincial Level.
Ayon kay PMaj Caramto, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Taytay MPS, Provincial Intelligence Unit-Palawan PPO, 2nd Provincial Mobile Force Company, 401st Battalion Maneuver Company, RMFB, at 3MC, Marine Battalion Landing Team-3 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus