Bukidnon – Arestado sa isinagawang Joint Operation ng pulisya ang Top 2 Provincial Most Wanted Person sa kasong Murder (2 Counts) sa Sitio Timago, Brgy. Lirongan, Talakag, Bukidnon nito lamang Marso 14, 2023.
Kinilala ni Police Major Jayvee Babaan, Officer-In-Charge ng Lantapan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Dondon”, 49 at residente sa nasabing lugar.
Dagdag pa ni PMaj Babaan, bandang 8:00 ng gabi nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Lantapan Municipal Police Station katuwang ang Regional Intelligence Unit 10, Bukidnon Provincial Intelligence Unit at 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder (2 Counts) na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Bukidnon PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon para mahuli ang mga Wanted Person para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng nasasakupang probinsya.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10