Rizal – Timbog ang tatlong indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Rodriguez Municipal Police Station katuwang ang Rizal Provincial Intelligence Unit nito lamang ika-11 ng Marso 2023.
Ayon kay Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., Regional Director ng PRO 4A, nagsagawa ng buy-bust operation sa Anak Pawis, Kasiglahan Village, Brgy San Jose, Rodriguez, Rizal bandang 4:30 ng hapon ang mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Team ng Rodriguez PNP katuwang ang Rizal Provincial Intelligence Unit na nagresulta sa pagkadakip ni alyas “Baton”, alyas “Bunso” at alyas “Bible”, pawang mga residente ng Rodriguez, Rizal.
Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre 45 na baril, walong piraso ng kalibre 45 na bala, dalawang piraso ng kalibre 45 na magazine, dalawang motorsiklo (Yamaha Mio), 180 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,224,000 at drug paraphernalia.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 ng mga suspek.
Ang sunod-sunod na matagumpay na buy-bust operation ng PNP ay isang babala sa mga pusher at user na hindi titigil ang pulisya upang wakasan ang laban kontra ilegal na droga sa bansa.
Panulat ni Patrolman Marvin Avila/RPCADU 4A