Caloocan City — Arestado ang isang lalaki matapos lumabag sa RA 10591 ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station nito lamang Lunes, Marso 13, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ruben Lacuesta, Chief of Police ng Caloocan CPS, ang suspek na si alyas “Romnick”, 24, at nakatira sa Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon kay PCol Lacuesta, nakatanggap sila ng impormasyon sa isang Confidential Informant na ang suspek ay sangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensyadong baril.
Agad namang nagsagawa ng One Time Big Time Operation (OTBT) ang mga operatiba ng Intelligence Section at naaresto ang suspek sa kahabaan ng Phase 8, Green Valley, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City bandang 1:00 ng madaling araw.
Nakumpiska sa suspek ang isang Caliber .38 revolver na baril na walang serial number na may kargang anim (6) na live ammunitions para sa Caliber 38, isang piraso ng dark blue sling bag, at isang tunay na Php500 na may kasamang walong pekeng Php500.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Tiniyak naman ng COP ng Caloocan na lalo pang paiigtingin ng kanyang hanay ang kanilang anti-criminality patrol lalo na sa crime-prone areas para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa lungsod.
Source: NPD PIO
Panulat ni SSg Remelin M Gargantos