Tuesday, November 19, 2024

CALABARZON BIDA BAYANIHAN ng Mamamayan Fun Run, isinagawa

Laguna – Aktibong nilahukan ng mahigit 2,000 tauhan ng Police Regional Office 4A ang isinagawang “CALABARZON BIDA BAYANIHAN ng Mamayanan Fun Run” na ginanap sa Paseo, Greenfield City, Sta. Rosa City, Laguna nito lamang Linggo, Marso 12, 2023.

Ang programa ay pinangunahan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. at personal na nakiisa sa aktibidad si Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration, gayundin si Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., Regional Director ng Police Regional Office 4A at pamahalaang lokal ng rehiyon.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) na dinaluhan ng libu-libong mga kalahok mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga yunit ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng “CALABARZON BIDA BAYANIHAN ng Mamamayan Fun Run.”

Tinatayang 2,000 ang nakilahok   sa naturang programa mula sa Philippine National Police, Local Government Units at ibang ahensya ang masiglang nakiisa sa naturang aktibidad.

Ang nasabing fun run ay malaking bagay sa mga lumahok na kabataan dahil naging produktibo ang pagsali sa mga programa ng gobyerno at malayo sa anumang ilegal na droga.

Sa mensahe ni DILG Secretary Abalos Jr., “Halos 4.8 milyong Pilipino ang aminadong gumagamit ng droga at ang drug of choice nila ay shabu, at dito sa whole of nation approach, hindi lamang ang pulisya at iba pang unit ng pamahalaan ang gagalaw sa demand reduction kundi lahat tayo ay may papel na ipahayag na ang droga ay masama at huwag silang magpapressure sa barkada, it’s all about your health, your future. Yan ang isisigaw natin ngayong umaga “Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan.”

Panulat ni Patrolman Marvin Avila/RPCADU4A

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles