Cotabato – Walang kawala sa batas ang isang lalaki sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Magpet Municipal Police Station sa Purok 7, Brgy. Bagumbayan, Magpet, Cotabato nito lamang Marso 12, 2023.
Kinilala ni Police Major Rolando Dillera Jr. Chief of Police ng Magpet Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Olyot”, 59 at residente sa nasabing lugar.
Isinagawa ang nasabing operasyon bandang 2:30 ng hapon ng mga Intelligence Operatives ng Magpet PNP na nag-resulta sa pagkahuli kay Olyot sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder, 2 Counts of Frustated Murder at 5 Counts of Attempted Murder.
Samantala, pinuri ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang pagsisikap ng Magpet PNP sa walang tigil na pagbibigay ng serbisyong tapat sa kanilang mga nasasakupan kabilang na dito ang paghuli sa mga wanted person sa rehiyon upang maibigay ang karampatang hustisya.
Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal/RPCADU12