Aurora – Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng programa ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Aurora PNP, ang Home Education Literacy Program sa mga katutubong Dumagat na residente ng Sitio Maiinit, Brgy. Tinib, Casiguran, Aurora nito lamang Linggo, ika-12 ng Marso 2023.
Pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Aurora Police Provincial Office sa paghahatid ng serbisyo sa mga katutubo.
Kaya naman patuloy ang awtoridad sa pagtuturo sa mga katutubong Dumagat upang mas mapalawak ang kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa.
Umabot sa 16 na indigenous people ang mapalad na naturuan ng Aurora PNP kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
Patuloy ang paghahatid ng mga awtoridad ng serbisyo sa mamamayan at pagbibigay ng malasakit sa kanilang nasasakupan.
Source: 2nd PMFC, Aurora PPO
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU4A