Cebu City – Tinatayang nasa Php353,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa inilunsad na buy-bust operation ng Cebu City Police Office sa Sitio Puntod, Brgy. Mambaling, Cebu City noong Biyernes, Marso 10, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng CCPO, ang nahuling suspek na si Niño, 24, na kabilang sa talaan ng High Value Individual sa lungsod.
Ayon kay PCol Dalogdog, dakong alas-5:30 ng hapon ng naaresto si Niño sa operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Dindo Alaras.
Kasabay ng pagkakadakip ng suspek, nakumpiska mula rito ang nasa 17 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 52 gramo at nagkakahalaga ng Php353,600.
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng maayos at mahusay na pagpapaigting ng kapulisan sa kampanya kontra ilegal na droga at maging sa hakbangin nito upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng lungsod.