Taguig City – Ipinadamang muli ng Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Regional Police Office ang Diversified Action Towards Unity o D.A.T.U program sa Barangay ng Alrichville, Napindan, Taguig City noong Biyernes, Marso 10, 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Jonathan Calixto, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Regional Police Office kasama ang facilitator nito na si Police Major Ronillo Aquino ng 6th Mobile Force Company Commander ang nasabing programa na kung saan inihandog ang isang itinayong Pumpwell (POSO) sa mga residente ng nabanggit na lugar.
Kasama din sa nasabing aktibidad ang Battalion Advisory Group for Police Transformation and Development (BAGPTD) mula sa iba’t ibang sector ng lipunan at organisasyon na pinamumunuan ni Chairperson Dr. Morena “Mong” S Canizares at Rotary Club of Makati Poblacion na kinatawan nina Miss Noemi Fernando, President ng Rotary Club ng Bonifacio Makati at Mr. Nelson Velasco kasama ang Eagle Force Multipliers.
Nagsagawa din ng feeding program ang Battalion Community Affairs Section ng RMFB NCRPO na pinangunahan ni PMaj Edgardo Tigbao sa mga residente ng nasabing barangay.
Labis naman ang pasasalamat ng mga residente mula sa Barangay ng Alrichville, Napindan, Taguig City sa ipinatayong pumpwell (POSO) ng mga tauhan ng RMFB NCRPO na kung saan ito ay malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Photo courtesy by Pat Jennifer Dulyungan
Panulat ni Pat Dianne C Salazar