Davao City (December 17, 2021) – Isang (1) set ng vendo carwash ang itinurn-over ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 2 ng Davao City Police Office sa pamumuno ng kanilang Team Leader, PLt Edmund Siarot para sa kanilang binuong People’s Organization (PO), ang Tungkalan Operators & Driver’s Association o TODA para sa kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Brgy. Eden, Toril District, Davao City noong Disyembre 17, 2021.
Ang TODA ay mapalad na nakakuha ng nasabing vendo carwash mula sa suporta ng kanilang mabuting stakeholder na ipinagpasalamat naman ng kanilang grupo dahil malaking tulong ito sa hanapbuhay ng nasabing asosasyon.
Gayundin ang grupo ng Brgy. Eden Drivers Association o BEDA na pinagkalooban naman ng vulcanizing equipment na siya ring gagamitin ng kanilang asosasyon sa ilalim ng SLP ng R-PSB Cluster 2 na lubos ding ipinagpasalamat ng mga miyembro nito.
Ang programang ito ay naglalayong palakasin ang sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng karagdagang kita upang mas maiangat ang kanilang kabuhayan sa pamamasada. Ito ay bilang pasasalamat na rin sa kanilang kooperasyon at sa tulong ng bawat asosasyon na malaki ang kontribusyon sa pagpanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang lugar.
####
Panulat ni: Police Corporal Mary Metche Moraera