Sarangani Province – Nakiisa ang Sarangani Police Provincial Office sa idinaos na Fire Prevention Month 2023 Kick-off Ceremony na ginanap sa Munisipyo ng Kiamba, Sarangani Province nito lamang ika-3 ng Marso 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Bureau of Fire Protection katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Sarangani PNP, LGU Kiamba, Philippine Coast Guard, MDRRMC, Golden State College, at Kiamba National High School.
Ang Fire Prevention Month 2023 ay may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa”, na naglalayong paigtingin ang preventive measures sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Fire Drills at Education Campaigns para makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa sunog sa iba’t ibang organisasyon sa buong lalawigan.
Ito ay kaugnay sa Presidential Proclamation No. 115-A, kung saan idineklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Marso bilang Fire Prevention Month dahil ito ay ang panahon na umaangat ang temperatura at tumataas din ang panganib ng sunog.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo/RPCADU12