Bohol – Nagsagawa ng Tree Planting Activity at Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Loon Police Station sa Barangay Napo, Loon, Bohol nito lamang ika-3 ng Marso 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Amelito Melendres Melloria, Chief of Police ng Loon Police Station katuwang ang Alpha Kappa Rho Loon Chapters, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Barangay Officials sa pangunguna nina Nerio G. Cuaresma at Cesar Canillo.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng Tubigon MPS, Calape MPS, Maribojoc MPS, Antequera MPS, Cortes MPS, Balilihan MPS, Catigbian MPS, San Isidro MPS at Corella MPS.
Sa pagtutulungan ng mga naturang grupo ay matagumpay na naitanim ang tinatayang nasa 300 mahogany tree at ilang sako ng iba’t ibang uri ng mga basura ang nalikom na alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” at PRO7 Project HAW-AS na naglalayong palawakin ang pagpapahalaga sa kalikasan upang magkaroon ng magandang kapaligiran at malinis na hangin para sa kaligtasan ng bawat isa.
Laking pasasalamat naman ni Police Captain Melloria sa mga opisyales ng barangay, Force Multipliers at Advocacy Support Groups ng bawat munisipalidad sa pakikibahagi sa aktibidad na siyang makakatulong lalo na sa mga susunod na henerasyon.