Oriental Mindoro – Arestado ang isang foreign national na wanted sa kasong paglabag sa RA 9995 sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Puerto Galera Municipal Police Station sa White Beach, Brgy. San Isidro, Puerto Galera, Oriental Mindoro noong ika-2 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Captain Kim Badillo, Acting Chief of Police ng Puerto Galera MPS, ang suspek na may alyas na “Bryan”, isang foreign national at residente ng Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Ayon kay PCpt Badillo, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Puerto Galera MPS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Ang PNP ay hindi titigil sa paghuli sa mga taong may pagkakasala sa batas at iba pang ilegal na aktibidad para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus