Ifugao – Tumanggap ng tulong ang tatlong benepisyaryo hatid ng project “Pamhod” ng Kaingan PNP sa Brgy. Ambabag at Duit, Kiangan, Ifugao nito lamang ika-3 ng Marso 2023.
Tumanggap ng mga assorted grocery packs at isang tray ng itlog ang kanilang tatlong napiling benepisyaryo na sina Lola Josephine Kinit ng Sitio Bae, Brgy. Ambabag; Generose Guimbatan at Elias Dulawan, na mga residente ng Brgy. Duit, Kiangan, Ifugao.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng MSWDO Kiangan, mga miyembro ng KKDAT Kiangan at mga Brgy. Officials.
Ang project “Pamhod” ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makatao” na layunin na makatulong sa mga “Kabobleyans” (kababayan) para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Ang Kiangan PNP ay patuloy sa pagtulong sa mga kababayan na nangangailangan ng suporta para sa kanilang pamumuhay gayunin din sa serbisyo publiko upang panatilihin ang kapayapaan sa kanilang lugar na nasasakupan.
Source: Kiangan Municipal Police Station