Caloocan City – Tinatayang Php680,000 halaga ng shabu ang nasamsam mula sa dalawang suspek sa pamamagitan ng intelligence-driven operation ng mga tauhan ng Northern Police District nito lamang Biyernes, Marso 3, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng NPD, ang mga suspek na sina alyas “Alenor” (HVI), 27, residente ng Phase 12, Riverside, Barangay 188, Caloocan City at alyas “Toko”, 21, residente ng MRH Site 4, Tala Barangay 188, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, dakong 11:40 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Langit Road, Bagong Silang Barangay. 176, Lungsod ng Caloocan ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit DDEU-NPD sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Dennis Odtuhan, Asst. Chief, DDEU.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang medium size heat-sealed at isang knot-tied transparent plastic na parehong naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang may timbang na 100 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php680,000;
isang genuine na Php500 na may kasamang pitong Php1,000 na boodle money na ginamit bilang buy-bust money; at isang sling bag na kulay itim.
Paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharaping kaso ng mga suspek.
Tiniyak ni PBGen Peñones Jr. na patuloy nilang ipapatupad ang kampanya kontra ilegal na droga sa naturang distrito upang mapanatili na payapa at ligtas ang lungsod.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos