North Cotabato – Nagsagawa ng Community Outreach at “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA Program ang mga tauhan ng Cotabato Police Provincial Office sa mga residente ng Brgy. Ginatilan, Pikit, North Cotabato nito lamang ika-2 ng Marso 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Harold Ramos, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office, ang aktibidad katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 12, Bureau of Fire Protection, Philippine Army at Lokal na Pamahalaan ng Pikit.
Mahigit 500 na residente ang naging benepisyaryo ng food packs na naglalaman ng bigas, delata at noodles.
Kasabay ng aktibidad ay namahagi din ng tsinelas sa mga kabataan at nagkaroon din ng libreng gupit at pamimigay ng libreng vitamins at check-up.
Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan patungo sa progresibo, maayos at mapayapang komunidad.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia/RPCADU12