Zamboanga City – Arestado ang Top 7 Station Most Wanted Person sa isinagawang Manhunt Charlie Operation nito lamang Marso 2, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang suspek na si alyas “Junior”, 19, walang asawa at residente ng Sitio Kasulutan, Brgy. Sta. Catalina, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 11:24 ng umaga nang naaresto ang suspek sa kanyang tirahan sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 11, 1st Zamboanga City Mobile Force Company at Regional Intelligence Division 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9