Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad nito lamang Marso 2, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang suspek na si alyas “Tadzhar”, 18, walang asawa at residente ng Sitio Asinan, Brgy. Kasanyangan, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 7:40 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Zone 1, Brgy. Sinubong, Zamboanga City sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 9 at Regional Mobile Force Battalion 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa Kasong Anti-Highway Robbery Law of 1974.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9