Negros Oriental – Naisakatuparan ang Ground Breaking of Probinsyanihan for the Lingap ng KASIMBAYANAN para sa Mamamayan Project (Pailaw sa Barangay) ng mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa Barangay Buenavista, Guihulngan City, Negros Oriental nito lamang Miyerkules, Marso 01, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Romeo Cubo, Acting Chief of Police ng Guihulngan CPS, kasama si Police Lieutenant Colonel Alvin Futalan, Deputy Provincial Director for Administration ng NOPPO, 61st SAC-PNP SAF, Police Community Precinct ng Buenavista, at 62nd IB ng Philippine Army.
Dumalo rin sa aktibidad sina Hon. Filomeno “Mikoy” L. Reyes – City Mayor, Ms. Maridel T. Gamo, CLGOO (DILG), City Councilors Hon. Lor Abednego S. Besario at mga opisyales ng naturang barangay, Barangay Health Workers, Life Coach Pastor George Facultad at mga residente ng nasabing barangay.
Layunin ng aktibidad na maisakatuparan ang pagkakabit ng sampung solar lamp post na itatayo sa Sitio Alum, Barangay Buenavista, Guihulngan City.
Ang nasabing Pailaw sa Barangay ay isang proyektong pinasimulan ng PNP upang makatulong at makapagbigay ng kaginhawaan sa mga mamamayan, alinsunod sa Peace and Security Framework ng ating CPNP na M+K+K=K o Malakasit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran at PNP KASIMBAYANAN.