Ilocos Sur – Arestado ang Top 8 Most Wanted Person sa Probinsya ng Ilocos Sur sa kasong of paglabag sa Sec 5 (B), Art III ng RA 7610 (3 Counts) at Statutory Rape sa operasyon ng San Juan PNP nito lamang ika-1 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Major Christopher D Ramat, Hepe ng San Juan MPS, ang suspek na si alyas “German”, 42, residente ng Brgy. Saoang, San Juan, Ilocos Sur.
Ayon kay PMaj Ramat, bandang 7:20 ng gabi nang naaresto ang suspek sa kanyang tahanan ng mga operatiba ng San Juan Police Station katuwang ang mga operatiba ng Provincial Investigation and Detective Management Unit-Ilocos Sur, Provincial Intelligence Unit, 1st at 3rd Platoon ng Provincial Mobile Force Company.
Dagdag pa ni PMaj Ramat, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Sec 5 (B), Art III ng RA 7610 (3 Counts) na may rekomendadong piyansa na Php400,000 at Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na operasyon ng San Juan PNP ay dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga mamamayan at sa pagpapaigting ng kampanya ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas.
Source: San Juan MPS
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan