Butuan City – Nakumpiska ang tinatayang Php884,000 halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang Regional Priority Target at kasama nitong babaeng Grade-12 student sa isinagawang buy-bust operation ng Caraga PNP sa Mernilo Beach Resort, Brgy. Masao, Butuan City nito lamang Miyerkules, Marso 1, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Pablo Labra II, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang mga nadakip na sina alyas “Jed”, nakatala bilang Top 10 Regional Priority Target/High Value Individual (HVI), 34, residente ng Purok-3, Brgy. Ampayon, Butuan City; at alyas “Zel”, nakatala naman bilang Street Level Individual (SLI), 19, Grade-12 student, residente ng Purok 5, Brgy Alegria, San Francisco, Agusan del Sur.
Ayon kay PBGen Labra II, bandang 7:55 ng gabi nang isagawa ang operasyon ng Regional Intelligence Division 13-Drug Enforcement Unit, Butuan City Police Station 3 at PDEA-Agusan del Norte.
Nakumpiska ang pitong piraso ng heat-sealed transparent sachets ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 130 gramo at may Standard Drug Price na Php884,000; isang weighing scale at mga drug paraphernalia.
Nahaharap si “Jed” sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 12 samantalang ang kasama naman nitong si “Zel” ay nahaharap sa paglabag sa Section 12 sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“There is no slowing down in our fight against illegal drugs and in going after those involved in illegal drugs. So far, this is the biggest haul of shabu in a single operation under my helm,” pahayag ni PBGen Labra II.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU 13