Oriental Mindoro – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit MIMAROPA sa Islam’s Community ng Brgy. Lalud, Calapan City, Oriental Mindoro noong ika-28 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Anti-Cybercrime Unit MIMAROPA sa pamumuno ni Police Colonel Godfrey Convento, Regional Chief ng RACU MIMAROPA kasama ang mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Division, RRSU, TRISKELION Law Enforcers Group (TRILEG) Oriental Mindoro, at Religious Life Coach.
Namahagi ang grupo ng food packs tulad ng bigas, tinapay, noodles at mga delata sa 100 na residente ng nasabing barangay.
Ito ay kaugnay sa programa ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Patuloy na isinasagawa ng PNP ang mga ganitong programa na naglalayong isulong ang pagkakaisa tungo sa ligtas at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus