Nueva Vizcaya – Naghatid saya sa mga mag-aaral ng Aurora Elementary School sa isinagawang Community Outreach Program ng Quezon PNP na pinamumunuan ni Police Major Benjamin Pagapa Jr, na ginanap sa Aurora Elementary School, Aurora Quezon, Nueva Vizcaya nitong ika-28 ng Pebrero 2023.
Sa isinagawang aktibidad ay masayang ibinahagi sa mga mag-aaral ng Grade 1-6 ang 173 school supplies kasama na rin ang pagkakaroon ng feeding program.
Labis na galak at kasiyahan ang makikita sa mga mukha ng mga mag-aaral gayundin ang pasasalamat ng mga guro ng paaralan dahil sa patuloy na pagsuporta ng kapulisan sa mga estudyante ng nasabing paaralan.
Layunin ng aktibidad na ito na mapaigting ang ugnayan ng kapulisan sa lokal na pamahalaan para sa pagsasagawa ng mga programa sa lipunan na nakakapagbigay-saya at tulong sa mga mamamayan.
Source: Quezon PS
Panulat ni Patrolman Rustom T Pinkihan