Nagsagawa ng Learning on W.H.E.E.L.S. at Feeding program ang mga tauhan ng 4th Platoon Rizal Patrol Base sa pangunguna ni Police Captain Rynner Ordonio sa Brgy. San Andres, Santiago, City noong ika-27 ng Pebrero 2023.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng City Mobile Force Company at tinalakay ang RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997) at Safe Touch vs. Bad Touch sa mga bata ng naturang barangay.
Aktibo at masayang nakilahok ang mga bata para sa nakalaang mga laruan at candies para sa kanila na nakasabit mismo sa police mobile at malaya silang makakapamili kung ano ang gusto nila. Kasunod din nito ay isinagawa ang feeding program.
Lubos din ang pasasalamat ng mga guro dahil bukod sa madalas gawin ito ng kapulisan, nagiging panatag na din ang kalooban ng mga bata.
Layunin ng aktibidad na ito na maturuan ang mga bata sa mga batas na dapat nilang malaman hinggil sa kanilang karapatan at makapagbigay galak sa kanilang puso habang natututo sa mga paksang itinuturo.
Sa paraang ito, hindi sila maiilang at matatakot sa kapulisan bagkus mas magiging panatag sila at magtitiwala sa serbisyong ibinibigay sa komunidad.
Source: City Mobile Force Company, SCPO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos