Quezon City — Umabot sa isang milyong halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang lalaking suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Kamuning Police Station nito lamang Lunes, Pebrero 27, 2023.
Kinilala ni PMGen Edgar Alan Okubo, Regional Director ng NCRPO, ang mga suspek sa pangalang Dean Dexter, 26; at Dexter, 46.
Ayon kay PMGen Okubo, bandang 10:00 ng gabi nang maaresto ang dalawang suspek sa kahabaan ng Monte Piedad St., malapit sa kanto EDSA, Brgy. Immaculate Concepcion., Quezon City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit, Police Station – 10, Kamuning, QCPD.
Narekober sa mga suspek ang isang kulay violet na plastic na may tatak na OK Wookie na naglalaman ng anim na piraso ng knot-tie transparent plastic sachet na pawang hinihinalang shabu, isang tunay na Php1,000 na may kasamang pekeng 239 pirasong Php1,000 bilang boodle money, isang yunit ng smartphone, isang yunit ng Yamaha Aerox Motorcycle, isang unit ng digital weighing scale, at isang kulay itim na sling bag.
Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay tumitimbang ng humigit-kumulang 150 gramo na nagkakahalaga ng Php1,020,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Habang pinalalakas ng Team NCRPO ang laban nito laban sa paglaganap ng ilegal na droga sa Metro, ipinagmamalaki namin ang patuloy na tagumpay ng mga operasyon sa ipinapatupad na pag-aresto sa mga sangkot sa mga ilegal na droga at pagkumpiska rin nito,” ani PMGen Okubo
Dagdag pa niya, “patuloy ang pulisya sa paglilingkod ng tapat at palaging nasa puso ang disiplina upang mabigyan ang ating mga kababayan ng isang tahimik at payapang komunidad na malayo sa banta ng anumang kriminalidad.”
Source: PIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos