Cebu City – Tiklo sa joint operation ng mga operatiba ng City Intelligence Unit (CIU) ng Cebu City Police Office at ng CIDG Cebu Provincial Field Unit, ang tinaguriang Top 2 Provincial Most Wanted Person sa kasong “Murder” noong Sabado, Pebrero 25, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Henrix Bancoleta, Hepe ng City Intelligence Unit, ang nadakip na si alyas “Zefra Laborte”, 23, residente ng nasabing barangay.
Ayon kay PLtCol Bancoleta, naaresto ang suspek bandang ala-1:00 ng hapon sa Belgium St., Brgy. Suba, Cebu City sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong “Murder”.
Tiniyak naman ng mga operatiba ng Cebu City Police Office na hindi sila hihinto sa pagpapatupad ng kanilang mga hakbangin upang hulihin at panagutin ang mga bawat personalidad na may pagkakasala at patuloy na nagtatago sa kamay ng batas.