Nueva Ecija – Nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang Zaragoza PNP sa Brgy. Sta Lucia, Young, Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang Linggo, ika-26 ng Pebrero 2023.
Ang naturang operasyon ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Ronnie Caagbay, Chief of Police ng Zaragoza Municipal Police Station.
Ininspeksyon ang mga dumaraan na motorista upang siguruduhin na kumpleto ang papel, hindi expired ang lisensya at pigilan ang mga masasamang elemento sa paghahasik ng kriminalidad, terorismo at inhursensya.
Layunin nito na mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mga residente ng Zaragoza.
Source: Zaragoza Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3