Cavite – Naaresto ang isang Regional at dalawang Provincial Most Wanted Person sa magkahiwalay na operasyon sa Dasmariñas City, Cavite nito lamang Huwebes, Pebrero 23, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Margie”, 38, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Dasmariñas City , nakalista bilang Regional/Provincial Most Wanted at alyas “Irish”, 24, residente ng Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City, nakalista bilang Provincial Most Wanted Person, pawang naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft na may rekomendadong piyansa na Php120,000.
Samantala, naaresto rin ang suspek na si alyas “John”, 21, residente ng Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite, tinaguriang Provincial Most Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Naging matagumpay ang operasyon sa dedikasyon ng Cavite Provincial Mobile Force Company, Cavite Maritime Group, 401st Regional Mobile Force Battalion 4A, Cavite Provincial Intelligebce Unit at Dasmariñas City Police Station.
Samantala, pinapurihan naman ni PCol Olazo ang mga operatiba ng Cavite PNP sa walang patid na pagsisikap na tugisin ang mga taong may umiiral na Warrant of Arrest at paigtingin ang kampanya laban sa mga wanted persons para masiguradong mapanagot sa batas at masiguro sa mamamayan ang ligtas at maayos na komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A