Patuloy ang pagsasagawa ng feeding Program ng mga kapulisan ng Bambang na idinaos sa Barangay Aliaga, Bambang, Nueva Vizcaya nitong ika-24 ng Pebrero 2023.
Pinangasiwaan ni Police Major Frederick Ferrer, Hepe ng Bambang PNP at sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Ginang Noemi O Manuel, Barangay Captain, Pastor Rey Cainap, Lifecoach, at mga Criminology Student ng Kings Collage, ang nasabing aktibidad na maayos at matagumpay na naidaos.
Nasa 80 na mag-aaral na Elementarya ng Gawad Kalinga ang naging benepisyaryo ng naturang aktibidad at batid ang kasiyahan sa mukha sapagkat sila ang napiling handugan.
Maliban dito tinalakay din ang RA 8353 (Anti-Rape Law of 2002), Anti-Sexual Abuse at BIDA program sa mga kalahok upang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa mga paksa.
Alinsunod ito sa Peace and Security Framework ng pulisya na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran at kaugnay din sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN at BIDA Program.
Patuloy ang pagsusumikap ng Pambansang Pulisya sa paghahatid ng serbisyo at kaalaman upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng komunidad.
Source: Bambang Police Station
Panulat ni PCpl Harry B Padua
Good Job Team PNP Godbless 💕