Davao City – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad sa Brgy. 76-A Candelaria Street Ecoland, Davao City nito lamang Pebrero 23, 2023.
Kinilala ni Police Major Rosario Aguilar, Station Commander ng Ecoland Police Station, ang suspek na si alyas “Ramil”, 22, residente ng Brgy. 75-A Del Carmen Village, Matina Aplaya, Davao City.
Ayon kay PMaj Aguilar, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Theft.
Ang PNP ay handang gawin ang lahat upang mahuli ang mga wanted persons at upang makamit ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara