Cabanatuan City (December 13, 2021) – Sa kagustuhang mamuhay ng payapa at tahimik ay sumuko ang tatlong (3) miyembro ng teroristang NPA (New Peoples Army) sa Nueva Ecija noong Disyembre 13, 2021.
Ayon kay Colonel Rhoderick Campo, Provincial Director ng Nueva Ecija PNP ay patuloy ang pagsagawa ng mga tauhan ng 1st PMFC, 22SAC 2nd SAB SAF, PIU, 2nd PMFC, Gabaldon PNP, Palayan City PNP, Gapan City PNP, 703rd Brigade 91st IB PA and 71st MICO 7th MIB 7ID para hikayatin na sumuko ang dalawang (2) miyembro ng KLG Sierra Madre na sina “Ka Boy” at “Ka Kuba” na parehong residente ng Barangay Vega, Bongabon, Nueva Ecija.
Samantala, sumuko din ang isa (1) pang miyembro ng teroristang NPA sa ilalim ng Josefino Corpuz Command ng CPP/NPA (Communist Party of the Philippines/NPA) na kinilalang si alyas “Ka Victor”, residente ng Barangay Kita-kita, San Jose City. Ang pagpapasuko ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd PMFC, 1st PMFC, San Jose City PNP, Carranglan PNP, Nampicuan PNP, Licab PNP, Quezon PNP, 303rd MC RMFB3 at 84th IB 7th ID PA.
Ang mga sumuko ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng 1st at 2nd PMFC ng Nueva Ecija PNP. Ang PNP Central Luzon sa pangunguna ni PBGen Matthew Baccay ay aktibo sa pagtupad ng programa ng NTF ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict).
Ang mga pagsuko ay naaayon sa programang NTF ELCAC na naglalayong hikayatin ang mga miyembro ng teroristang NPA na magbalik-loob sa gobyerno.
######
Panulat ni: Police Corporal Elena S Delos Santos
Sana lahat ng NPA sumuko na
Magbalik-loob sa gobyerno