Batangas – Sugatan ang naarestong Top 1 Municipal Most Wanted Person matapos makipagpalitan ng putok sa ikinasang operasyon ng Rosario Municipal Police Station sa Brgy. Mabalanoy, San Juan, Batangas, bandang 3:25 ng hapon nito lamang Miyerkules, Pebrero 22, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Pedro Soliba, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jessie”, 33, residente ng Brgy. Nasir, Rosario, Batangas.
Dagdag pa ni PCol Soliba, nagtamo ng sugat sa kaliwang braso at hita ang suspek matapos manlaban sa mga awtoridad at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
Narekober sa suspek ang isang unit ng caliber 38 revolver, dalawang bala at dalawang basyo ng bala.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms ang Ammunition Regilation Act.
Ang tagumpay ng Rosario PNP laban sa pagtugis ng mga taong may pagkakasala sa batas ay bunga ng pinaigting na suporta at pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapanatili ang ligtas at maayos na komunidad.
Source: Batangas Police Provincial Office
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A