Zamboanga City – Arestado ang Top 9 Station Most Wanted Person sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga City Police Station 9 nito lamang Pebrero 23, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Paujal”, 26, walang asawa at residente ng Brgy. Recodo, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 8:35 ng umaga nang naaresto ang suspek sa Varela St. Barangay Zone 1, Zamboanga City sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9